BYD Sta. Rosa - Expired BYD Accreditation?
Hi Everyone, anyone here having the same problem getting their ORCR from BYD Sta. Rosa? Feb 18, narelease yung unit namin, sabi 15 days lang marelease na daw yung ORCR. Kahapon nainform ako na wala pa daw sila accreditation for 2026 kaya nakahold yung documents. Pumunta ako kanin sa showroom nila and naconfirm ko na wala/expired accreditation nila. Wala din timeline na binigay if kelan sila makakarenew ng accreditation. Nasa process na ako ng pagfile ng formal complaint sa DTI and LTO. Just want to know if meron similar cases sa akin kasi on going pa rin ang pagbenta and release nila ng units kahit alam nilang hindi maproprocess and ORCR pag wala silang accreditation.